Buhok ni Elvis Presley, naibenta sa halagang P3.6 milyon

USA — Kilala mo ba si Elvis Presley? Maaaring familiar na lamang siya saiyo ngunit nakakasigurado akong kilalang-kilala yan ng mga magulang o kaya naman ay mga lolo at lola niyo.

Si Elvis Presley lang naman kase ang isa sa pinakatanyag na mang-aawit at aktor noong kalagitnaan ng dekada ’50 hanggang dekada ’70.

Nakalikha si Presley ng nasa mahigit 700 musika bago siya pumanaw noong 1977, kaya naman siya ay tinaguriang “King of Rock ‘n’ Roll”.

Nag iwan si Presley ng malaking popularidad hindi lamang sa larangan ng musika kundi pati na rin sa industriya ng pelikula kaya naman marami ang humanga sa talento at karisma ng musikero.

Kaya naman ganun na lamang kadaling naisubasta o naibenta sa isang auction ang kumpol ng kanyang buhok sa halagang $72,500 o katumbas ng P3.6 million. 

Pinangunahan ang pagbebenta sa buhok ni Presley ng auction house na Kruse GWS kung saan ayon dito, nakolekta mula kay Homer Gilleland – (ang personal na barbero ni Presley sa loob ng ilang dekada) ang buhok ng yumaong musikero.

Bilang patunay na ito nga ang buhok mula kay Presley, naka attached dito ang mga dokumentasyon mula sa University of Archives na siyang nagkukumpirma ng authenticity nito.

Bukod sa buhok ni Elvis Presley, naibenta rin sa halagang $1,012,500 ang jumpsuit na ginamit nito noong siya ay magtanghal sa Madison Square Garden noong 1972.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *