Buhos ng mga biyahero ngayong Undas, pinaghahandaan na ng DOTr

Handang-handa na ang transportation sector para sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong long weekend para sa Undas.

Ayon kay Department of Transportation executive assistant Jonathan Gesmundo, all-systems-go na ang lahat ng mga airport, seaports, terminals, at mga train systems sa bansa.

Ito umano ay para masiguro ang maayos na biyahe ng mga mananakay na magsisipag-uwian sa kani-kanilang mga probinsya.

Inaasahna na rin kasing hihigit pa raw sa pre-pandemic levels ang bilang ng mga biyahero ngayong taon.

Inatasan na rin ang mga transport personnels na magkaroon ng full-deployment, at ang pagtatalaga ng mga assistance desks.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin umano ang pagmo-monitor nila sa sitwasyon ng Bagyong Paeng at magaanunsyo ng mga karampatang advisories sakali mang magkaroon ng suspension sa mga biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *