Nagtala ng come-from-behind win ang Chicago Bulls upang tuluyang selyuhan ang kapalaran ng Toronto Raptors sa NBA play-in tournament, 109-105.
Tinalo ng Chicago ang Raptors sa sarili nitong homecourt para manatiling buhay sa inaasam na play-off berth.
Matapos tambakan ng 15 puntos, biglang uminit ang Bulls sa 4th quarter sa tulong ni Zach Lavine na humakot ng 39 points, 6 rebounds at 3 assists.
Nagdagdag naman si DeMar Derozan ng 23 puntos at 7 rebounds para makabalik sa laro.
May tiyansa pa sanang maitabla ni Pascal Siakam (32 points, 9 rebounds) ang laro matapos itong ma-foul ni Alex Caruso sa huling 17 sugundo subalit isa lamang sa tatlong free throws ang naibuslo nito.
Samantala makakaharap naman ng Bulls ang Miami Heat para sa nag-iisang spot sa NBA playoffs sa East Conference. (LEY BAGUIO)
