Top notcher ng 2024 Pharmacists Licensure Exam, hindi naging hadlang ang kapansanan

Hindi hadlang ang anumang kapansanan para makamit ang iyong hinahangad.

Ito ang napatunayan ng isang 25-anyos na lalaki na mula sa Margosatubig, Zamboanga del Sur.

Sa loob ng 1,185 passers, nanguna si Rhedz-Wei Hadjula sa 2024 Pharmacists Licensure Examination matapos makakuha ng 92.85 percent na rating.

Ayon kay Haduja, hindi niya inaasahn na makapasa maging top notcher dahil bukod sa pagiging competitive ng mga kasabayan niya, mayroon siyang genetic blood disorder na tinatawag na “thalassemia.”

Ang thalassemia ay blood disorder na hindi kaya ng katawan na lumikha ng sapat na hemoglobin, na mahalaga sa red blood cells.

Bagama’t nahirapan, naging worth it naman ang paghihirap ng top notcher dahil talagang pinatunayan niyang walang hahadlang sa anumang pangarap mo sa buhay.

Photo: Universidad de Zamboanga 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *