Cagayan Valley, nasa alert level 4 na

Nakasailalim na sa alert level 4 ang buong lambak ng Cagayan dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health Region 2, nitong September 21 ay kabilang na sa alert level 4 ang rehiyon kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng naturang virus.

Ito rin ay matapos lumampas na sa 70% ang utilization rate ng health care facilities sa rehiyon.

Samantala, kabilang naman sa Alert level 3 ang probinsya ng Batanes dahil sa pagdami ng mga naitatalang bagong kaso bagaman mataas na rin ang utilization rate ay hindi pa naman naabot ang higit sa 70 na porsyento. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *