Camalig, Albay, naghihintay na lamang na maideklarang drug-cleared ang kanilang bayan; alkalde, humiling ng bagong fire station sa DILG

Inihayag ni Camalig, Albay municipal mayor Caloy Baldo na sa ngayon ay naghihintay na lamang siyang maideklarang drug-cleared ang kanilang bayan dahil naibigay na rin naman nila ang mga dokumento at iba pang mga kinakailangan.

Sa isang panayam ng Brigada News FM Legazpi sa alkalde, kanyang winika na sa ngayon din ay nagpapatuloy ang kanilang laban at kampanya laban sa iligal na droga.

Ipinagpapatuloy umano nila ang pagmo-monitor sa mga barangay kung mayroon pang mga nagpopositibo rito.

Kompleto na umano ang kanilang bayan sa mga requirements at halos lahat ng mga barangays ay drug-cleared na rin kung kaya’t naghihintay na lamang sila ng deklarasyon.

Samantala, dahil inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol ang BIDA program na pinangunahan ni DILG Sec. Benhur Abalos, ginamit ni Camalig Municipal Mayor Caloy Baldo ang pagkakataon upang humiling sa kalihim ng bagong Bureau of Fire Station sa kanilang bayan.

Mayroon na umano silang lupa na maaaring pagtayuan ng nasabing istasyon kung sakali.

Aniya, ayon naman sa pag-uusap nila ng kalihim, sinabi niyang titignan nila kung maaari itong malaanan ng pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *