Isang barangay sa Legazpi City, mayroon nang 30 prospects na maging miyembro ng 4Ps

Nagkaroon na ng 30 mga inaasahan o posibleng mga maging miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Brgy. Arimbay ng Legazpi City, Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Brgy. Capt. Janet Bea, sinabi niyang 30 slots ang ibinigay sa kanila ng 4Ps at sa kanilang barangay ay mayroon na ring pumuno sa mga slots na ito.

Subalit ayon sa kanya, ang mga ito ay hindi pa naman pinal at sasailalim pa sa mga panayam at balidasyon kung sila nga ba ay kwalipikadong maging miyembro ng nasabing programa.

Aniya, sa Pebrero 13-17 umano ay magbabahay-bahay para sa mga interbyu at pagsapit ng Pebrero 20-23 ay saka malalaman kung sino ang mga kwalipikado. Dagdag pa naman ni Bea, ang mga personang nasa kanilang listahan ay na-orient nang kasama sila sa mga iva-validate ng DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *