DILG Bicol, nananawagan sa publikong suportahan ang kanilang pinalakas na kampanya kontra iligal na droga sa pamamagitan ng kalulunsad pa lamang na BIDA program

LEGAZPI CITY – Nananagawan ang Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol sa publiko na makiisa sa kalulunsad pa lamang na “Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan” (BIDA) program, gayundin naman, hinihikayat din ng ahensya ang lahat na suportahan ito.

Sinabi ni DILG Bicol ARD Jhoaden Lucero sa Brigada News FM Legazpi na ang nasabing programa ay naglalayong tuluyan nang matigil ang mga tao sa paggamit ng iligal na droga.

Aniya, nagkakaroon ito ng masamang epekto hindi lamang sa sarili kundi sa kabuahayan, kinabukasan at buhay ng ibang tao.

Ang BIDA program ay inilunsad kahapon upang pagtibayin at palakasin ang pagkamulat ng mga tao hinggil sa epekto ng iligal na droga na nakakasira ng buhay, kung saan pinangunahan ito ni DILG Sec. Benhur Abalos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *