Camalig Mayor Baldo, pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Pinarangalan kahapon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay si Camalig Municipal Mayor Carlos Baldo, Jr.

Ito ay alinsunod sa isang resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan na kumikilala sa aktibong partisipasyon at pangunguna nito sa nakaraang 13-araw na search, rescue at retrieval operation para sa mga biktima ng pagbagsak ng Cessna 340 plane malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon na ikinasawi ng apat kataong lulan nito.

Ayon sa impormasyon, bukod sa alkalde, kasama rin sa mga kinilala ng pamahalaan ang lima sa mga local mountaineers ng Brgy. Anoling ng nasabing bayan o tinatawag na “Magnificent 5” na silang naunang nakatunton sa crash site at kumumpirmang wala nang buhay ang mga biktima.

Matatandaan, nangako ang alkalde na bibigyan niya ng trabaho ang Magnificent 5 sa ilalim ng kanyang pamamahala sa LGU, kung kaya’t sila ay naka-schedule nang mag-umpisa sa kanilang trabaho ngayong araw para sa wastong pagatatalaga, bilang paraan ng pagbabalik sa kanilang kabutihan at pagsisikap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *