DOST PAGASA nagbabala sa publiko kaugnay sa panganib na dulot ng  mainit na temperatura

Nagbabala ang PAGASA DOST kaugnay ng mga epekto sa katawan ng tao ng nararanasang mainit na temperatura partikular ngayong pumasok na nga ang summer season.

Ayon kay Ariel Zamudio ng Pagasa DOST Legazpi sa heat index range na 27°C  hanggang 32°C o Caution category ay posibleng makaranas ng fatigue ang isang indibidwal lalo na kung matagal ang pagkakalantad sa araw at aktibidad.

Nasa Extreme Caution naman kapag ang heat index range ay 32°C hanggang 41°C kung saan ang patuloy na mga outdoor activities ay posibleng magresulta sa heat cramps at heat exhaustion na puwede ding mauwi sa heat stroke.

Danger Category naman kung ang temperatura ay nasa pagitan ng 41°C  hanggang  54°C kung saan sa heat index range na ito ay posible din ang heat cramps at heat exhaustion gayundin ang heat stroke kapag patuloy ang exposure sa init.

Extreme Danger naman ang kategorya kapag ang heat index range ay lagpas 54°C kung saan ang posibilidad ng heat stroke ay mataas.

Samantala, sinabi ni Zamudio na batay sa forecast ng PAGASA, simula kahapon hanggang sa Marso 30, ay nasa extreme caution ang heat index sa lalawigan kung saan maglalaro ito sa  33°C hanggang 41°C.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *