Camarines Norte, muli na namang nakapagtala ng daily record high ng COVID-19 cases

CAMARINES NORTE – Muli na namang nakapagtala ang lalawigan ng Camarines Norte ng mataas na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Sa report ng DOH Bicol kahapon, umabot sa 44 ang panibagong kaso na naitala, pinakamataas na kasong naitala ngayong buwan ng Mayo habang pangalawa sa daily record high na naitala ngayong taon at simula ng maranasan ang pandemya noong March 2020

Ang 44 na panibagong kaso ay naitala sa mga bayan ng Daet na may 19, may tig-7 panibagong kaso ang naitala mula sa bayan ng Labo at Sta. Elena

May 6 mula sa bayan ng Basud, 3 mula sa Jose Panganiban habang may tig-1 kaso ang bayan ng Capalonga at Vinzons

Sa ngayon mayroon ng 487 total cases ng COVID-19 ang naitatala sa lalawigan mula sa naturang bilang umakyat na sa 154 ang aktibong kaso habang walang naitalang nakarekober sa sakit  ang DOH Bicol sa lalawigan kahapon kung kayat nananatili ang bilang nito sa 306 gayundin ang bilang ng mga nasawi na may 27

Patuloy namang umaapela sa publiko ang Camarines norte na panatilihin ang pagsunod sa Health safety Protocols

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *