Camarines Norte PNP nanawagan sa mga Ina na pag-ingatan ang kanilang anak na babae bunsod ng naitatalang kaso ng pangaabuso sa mga batang kababaihan

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Camarines Norte PNP partikular sa mga ina na pag-ingatan ang kanilang mga anak na babae bunsod ng mga naitatalang kaso ng pang-aabuso at panggagahasa sa mga batang kababaihan

Itoy kasunod na pagkaalarma ngayon ng PNP dahil sa tumataas na kaso ng pangagahasa na naitatala sa ilang mga bayan sa probinsya na ang suspek ay ang mismong mga ama ng tahanan.

Sa tala ng PNP noong 2021 ay 11  indibidwal ang kinasuhan dahil sa kasong pangagahasa kung saan tatlo ay mismong mga ama ang suspek habang sa pagpasok ng 2022 nito lamang Martes ay isang padre de pamilya ang dinakip ng Basud PNP matapos na paulit- ulit umano nitong hinalay ang trese anyos na anak na babae

Pinaalala naman ng kapulisan na mahalagang bantayan ang kanilang mga anak na babae at laging magmatyag kung may kakaibang ikinikilos dahil baka hindi lang aniya napapansin pero biktima na pala ng pang- aabuso.

Nagbabala naman si Camarines Norte Provincial Director PCOL Julius Guadamor na walang ligtas sa batas ang mga nagkasala lalo na ang mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng mga kabataan

Ayon pa sa opisyal ang pagtugis sa mga suspek at pagkakaaresto sa mga ito ay magsilbing babala sapagkat hindi anya titigil ang kanilang hanay upang pagbayarin ang mga taong lumalabag sa batas

Kasabay nito nanawagan rin ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa pulisya upang mas maging matagumpay ang anti-criminality operation sa probinsya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *