Pag re- activate sa One Hospital Command sa probinsiya itinulak sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19

CAMARINES NORTE- Itinulak ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang pag re- activate sa One Hospital Command sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Ito ay para malaman ang ang bilang ng COVID-19 related patients sa lahat ng hospital sa lalawigan.

Mayroon din aniyang ibinaba kamakailan ang Department of Health at Inter Agency Task Force na modifications ng health protocols para sa mga hospital/health facilities at health care workers.

Malaking tulong ang One Hospital Command Center nang minsang ilunsad ito sa lalawigan noong nakaraang taon dahil naiwasang pagpasapasahan ang mga COVID- 19 patients sa iba’t- ibang ospital.

Sa pamamagitan kasi nito ay alam na agad kung saan maaaring dalhin ang pasyente dahil coordinated na ang iba’t- ibang ospital mapa pampubliko man o pribado.

Sa ilalim ng One Hospital Command Center ay araw- araw na nagbibigay ng update ang iba’t- ibang ospital  sa lalawigan hinggil sa kanilang utilization rate kaya’t alam ng bawat isa kung ilan ang occupied at ilan pa ang available.

Kahapon muling nakapagtala ng single- day high ng COVID- 19 cases ang lalawigan batay sa ulat ng DOH.

Nasa 78 ang mga naitalang panibagong kaso, pangalawa sa pinakamataas mula nang magkaroon ng pandemya noong March 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *