Nagpahayag ng pagkabahala ang Canada at United Kingdom sa umano’y “dangerous” at “unprofessional” conduct laban sa mga Filipino vessels sa South China Sea.

Ayon kay British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils, nananatiling committed ang UK sa international law, partikular na sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa South China Sea.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Canadian Ambassador David Hartman na suportado nila ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapatupad ng sovereign rights sa loob ng exclusive economic zone nito.
Ginawa ng dalawang opisyal ang pahayag matapos na halos magbanggaan ang Philippine Coast Guard vessel na BRP Malapascua at China Coast Guard vessel noong April 23 sa Ayungin Shoal sa Spratly Islands.//CA