Catriona Gray – suportahan ang Miss Universe candidates

Binigyang-diin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kahalagahan ng pagsuporta sa lahat ng mga kalahok sa Miss Universe.

Dahil dito, hinihikayat ni Catriona ang publiko na iwasan ang pag-post ng mga negatibong komento hinggil sa mga kandidata.

Ayon kay Cat, kung wala namang magandang sabihin dapat na lamang itikom ang bibig.

Nagbigay naman ng payo ang Miss Universe 2018 sa mga kandidata na i-enjoy ang pagkakataon sa haba ng preparasyon ay nakarating na sila sa Miss Universe stage.

Nabatid na isa si Catriona sa mga back stage host sa gaganapin sa El Salvador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *