Draymond Green, suspendido ng 5 laro sa NBA

Suspendido ng limang laro sa NBA si Draymond Green ng Golden State Warrior.

Ito’y matapos i-headlock o sinakal ni Green si Rudy Gobert ng Minnesota Timberwolves sa gitna ng kaguluhan.

Sinubukan kasing mamagitan ni Gobert habang kinompronta ni Clay Thompson ng Warriors si Jaden McDaniels ng Timberwolves matapos hilahin ang kanyang jersey.

Pagkatapos pumagitna ni Gobert, doon na siya hineadlock ni Green.

Ayon kay NBA Executive Vice President and Head of Basketball Operations, Joe Dumars, ang ginawa ng Golden State Warriors forward ay mapanganib kaya’t dapat lamang parusahan ang kanyang ‘unsportsmanlike acts’

Bukod dito, pinatawan ng $25,000 na multa sina Gobert, Thompson at McDaniels para sa kanilang partisipasyon sa nangyaring rambulan.

Natawagan ng technical fouls sila Thompson at McDaniels; habang flagrant foul 2 naman kay Draymond.

Natanggal ang tatlong nabanggit na players sa laro na ipinalo ng Timberwolves sa iskor na 104-101.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *