Cavite PPO, nakasamsam ng mahigit P50,000 halaga ng shabu sa loob lang dalawang araw

Nakasamsam ng mahigit 7.65 grams na shabu ang Cavite Police Provincial Office (PPO) na nagkakahalaga ng P56,508 mula sa kanilang isinagawang operasyon mula kahapon hanggang ngayong araw.

Samantala, nakuha rin nilang makapag-aresto ng dalawampung tao, kung saan labing tatlo rito ay ‘Wanted Person’ at pito sa mga ito ay “Most Wanted Person”.

Kung maalala, kamakailan lang ay nahuli na nila ang Rank No. 1 City Level- Most Wanted Person na kinilalang si alias “Lucito” ng Barangay 8 Cavite City.

Kinasuhan naman ang nasabing suspek ng paglabag sa Sec. 12 Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act matapos masangkot sa illegal na operasyon sa droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *