High profile Filipino- Indian national, naghain ng counter-affidavit sa DOJ kaugnay sa hidwaan ng kanilang pamilya sa higit ₱1B na ari-arian

Naghain ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang Filipino-Indian businessman na si Rajiv Chandiramanji laban sa mga kasong falsification at forgery na isinampa ng kapatid nitong si Amith Chandiramani.

Sa counter affidavit na isinumite sa DOJ, mariing itinanggi ni Rajiv na ang mga reklamong inihain sa kaniya ay walang basehan at gawa-gawa lamang dahilan upang ibasura ito ng Makati City Prosecutors Office.

Nag-ugat ang away ng magkapatid sa reklamo ni Amith, na nagsabing nawalan siya ng mana at mga karapatan bilang tagapagmana ng kanilang yumaong ama na si Prem Chandarimani matapos umanong doktorin ni Rajiv ang pirma ng ama para sa dalawang “deeds of absolute sale” ng mga lupa.

Pero iginiit naman ni Rajiv na tunay at naka notaryo ang mga dokumentong pinagdudahang dokumento ng kanyang kapatid, na nais palabasin ang sarili na kinawawa sa istorya ng kanilang pamilya.

Nagkaroon din aniya sila ng kasunduan ng kapatid na babawiin ang mga isinampang kaso sa isa’t-isa, at may pinirmahan pang “affidavit of desistance” kung saan inaamin ni Amith na nagkamali lamang ito sa kaniyang alegasyon.

Nagbigay rin aniya siya ng milyong-milyong piso bilang pagtalima sa kanilang napagkasunduan.

Noong August 24, sinimulan ng DOJ ang imbestigasyon sa hidwaan ng naturang pamilya na kinasasangkutan ng mahigit P1 bilyong halaga ng ari-arian at interes sa negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *