San Juan City LGU, nagbigay ng karagdagang P5,000 na tulong at libreng upa sa mga micro rice retailers

Pinangunahan ngayong umaga nina Mayor Francis Zamora at Department of Trade Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual ang pamamahagi ng P15,000 cash aid sa 48 na apektadong rice retailers sa Agora Market sa tulong Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maliban pa rito, nagpaabot din ng karagdagang P5,000 na ayuda ang lokal na pamahalaan ng San Juan City at libreng upa sa mga ito para sa buwan ng Setyembre.

Samantala, pinag-aaralan na rin ni Caloocan Mayor Along ang pagbibigay ng diskwento at libreng upa sa mga rice retailers.

Maalala, sa ilalim ng Executive Order No. 39, nagtakda ang Pangulo ng price ceiling na P41 sa regular-milled rice at P45 sa well-milled rice upang malabanan ang hoarding, profiteering, smuggling at pagkakartel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *