CBCP, ikiunatuwa ang desisyon ng IATF na itaas sa 30% ng venue capacity ang lahat ng religious gatherings sa NCR Plus

Ikinatuwa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpayag ng task force ng gobyerno kontra COVID-19 na maitaas ang religious gatherings sa 30% ng venue capacity.

Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano, mabibigyan na ng tyansa ang mas maraming tao na nakatira sa GCQ with heightened restrictions na pisikal na makadalo sa mga religious gatherings.

Ipinunto ni Secillano na mahalaga rin sa panahon ng pandemya ang mga spiritwal na bagay.

Mababatid na kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang nasabing desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Managment of Emerging Infectious Diseases.

Inihayag ng kalihim na may suporta ng mga alkalde ang nasabing request ng mga simbahan na mapayagan ang religious gatherings na hanggang 30% ng venue capacity sa NCR plus at sa iba pang mga lugar na nasa ilalim ng GCQ hanggang May 31, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *