Church gatherings na hanggang 30% capacity, pinapayagan na

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mataasan sa 30% ng venue capacity ang lahat ng religious gatherings sa Metro Manila.

Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa mga alkalde pa rin ng Metro Manila ang desisyon kung papayagan nila na lumampas sa inisyal na 10% ng venue capacity ang mga pagtitipon na may kinalaman sa relihiyon sa kanilang mga nasasakupan.

Mababasa sa Resolution No. 116 na sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions sa NCR Plus ay kailangan ng mga religious denominations na istriktong ipatupad ang pagsunod sa mga isinumite nitong protocols at  minimum health standards.

Samantala, ipinunto ng IATF na ang mga pagtitipon para sa mga lamay, burol, inurnments, o libing para sa mga namatay dahil sa ibang rason maliban sa COVID-19 ay papayagan, basta’t magiging limitado lamang ito sa mga immediate family members.

Mababatid na sakop ng NCR Plus, na nasa ilalim ng GCQ with heightened alert mula May 15-31, ang Metro Manila at ang mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Nasa ilalim rin ng GCQ ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *