CCG, binomba ng tubig ang bandila ng Pilipinas na nakakabit sa isang barko ng PCG

Pinuntirya umano ng Chinese Coast Guard ang bandila ng Pilipinas na nakakabit sa isang barko ng Philippine Coast Guard.

Sa video na kuha ng PCG noong April 30, makikita ang pagdikit ng barko ng CCG habang binobomba ng tubig ang barko ng Pilipinas habang nagpapatrolya ito sa West Philippine Sea.

Binomba nito ang gilid ng barko ng PCG at saka tinarget ang bandila ng Pilipinas na nasa tuktok.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, na-damage ang PCG vessel at isa pang bangka ng bansa sa panibagong insidente ng pambobomba ng tubig ng CCG na nangyari malapit sa Panatag Shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *