Ilang PDL sa Tigaon District Jail, nagkaka-rashes na dahil sa matinding init ng panahon

CAMARINES SUR – Ilang Person Deprived of Liberty o PDL, sa Tigaon District Jail, sa Tigaon, Camarines Sur, ang nagkaka-rashes o nagkakapantal-pantal na sa balat, dahil sa matinding init ng panahon.

Sa panayam kay JSINSP Desma Onsat, Acting Warden, nasa gamutan na ang mga PDL na nagkasakit at sinusunod ang inirekomenda ng Rural Health Unit ng naturang bayan na ang ipapaligo sa kanila ay tubig na may bayabas maliban sa pagpapa-inom ng gamot, upang hindi na lumala pa o makahawa sa iba. Mayroon ding dalawang tuberculosis patient na nasa ilalim na ng medikasyon at kasama sa ina-isolate bilang pag-iingat na rin sa ibang PDL.

Siksikan na rin kasi sa naturang piitan, ngunit sinigurado ng opisyal na may espasyo pa at nakakagalaw pa, lalo na’t nasa 241 ang mga PDL sa lugar.

Ayon pa sa opisyal, tuloy-tuloy din ang monitoring, mga programa nila lalo na sa health condition ng kanilang mga PDL.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *