Cedric Lee, sumuko na sa NBI

Boluntaryong sumuko ang negosyanteng si Cedric Lee sa National Bureau of Investigation matapos na mahatulang  guilty sa kasong serious illegal Detention for Ransom na isinampa ng host na si Vhong Navarro.

Ayon sa NBI nagpahatid ng mensahe sa kanila si Lee na gusto nitong sumuko.

Mababatid, na naglabas ng kautusan ang Taguig Regional Trial Court laban kina Lee, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Razguilty hinggil sa pagkulong sa TV host at actor na si Vhong Navaro.

Hinatulan ng korte ang mga akusado ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taong pagkakakulong.

Kinansela din ng korte ang pagpiyansa sa mga akusado.

Samantala, iaapela naman ni Lee ang kasong isinampa laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *