Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men’s Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at Naga City Team sa nagpapatuloy na Palarong Bicol 2024 sa Bicol University Sports Complex.

Makikita sa video na pagkatapos ng final whistle ng referee, may isang player na tumakbo sa field at sinipa sa likod ang isang player ng kalaban niyang team.

Habang nagkakagulo sa BU Oval, isang video rin ang nakunan na maging ang ilangmga manonood ay nagkasakitan din.

Isa sa mga player ng Masbate ang nagtamo ng injuries na agad namang naidala sa pagamutan habang kinukondena naman ng Department of Education Bicol at Bicol Region Athletics Association ang pangyayari at sinigurong may gagawing aksyon ukol dito.

Naga LGU – nagsalita na

Ikinalungkot naman ng Naga City Government ang insidente.

Ayon sa LGU, nakikipag-ugnayan na ang Education, Scholarships, and Sports sa Division of Naga City Schools (DepEd-Naga) at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Palaro Officials, para sa kaukulang disiplina sa mga responsable at nakisali sa kaguluahan.

Dagdag ng LGU, hindi naayon sa sportsmanship, respeto at integridad ang nangyari.

Humihingi rin ng tawad ng lungsod sa lahat ng apektado.

Sa hanay naman ng coach, sinabi ni Ferdinand Uy na ikinalulungkot niya ang insidente.

Wala aniyang puwang ang karahasan.

Habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon, ay humihingi rin ito ng dispensa lalo na sa mga nasaktan. (with reports from BNFM Legazpi – Julie Rodriguez-Bellen, and BNFM Naga, Janessa Savilla)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *