CHO Legazpi, nagsagawa ng medical and dental mission sa Brgy. Bariis, Legazpi City, Albay; 66 na pasyente, nabenipsiyohan

LEGAZPI CITY – Aabot sa 66 pasyente sa Brgy. Bariis, Legazpi City, Albay ang nabenipisyohan ng isinagawang medical and dental mission.

Ayon kay Dr. Fullbert Alec Gillego, head ng City Health Office (CHO) Legazpi, isinagawa ang medical and dental mission sa nasabing barangay dahil sila ang nakitaan na pangangailangan pagdating sa kalusugan.

Aniya, marami ring mga residente sa nabanggit na barangay ang nangangailangan ng gamot katulad ng para sa mga ubo’t sipon, pneumonia, high blood, asthma, arthritis, at iba pa.

Sinabi pa nito, marami ring naipamahaging multivitamins, ascorbic acid, calcium at iba pang gamot na kailangan ng mga pasyente sa barangay.

Nasa 16 na pasyente mula na 0-5 years old ang natulungan sa aktibidad, 37 na pasyente na may edad na 6 na taong gulang pataas habang 13 na pasyente na may edad 60-anyos pataas.

Maliban pa rito, nagsagawa rin ang CHO Legazpi ng PinasLakas na Bakunahan sa nabanggit na barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *