Over-pricing ng pamasahe sa tricycle sa Daraga, Albay, inirereklamo

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Mayor Awin Baldo ng Daraga na marami na itong natatanggap na reklamo mula sa mga pasahero tungkol sa over-pricing ng mga tricycle drivers sa nasabing bayan.

Ayon kay Baldo, matagal na itong inirereklamo kahit hindi pa ito nanunungkulan bilang alkalde kung saan sobra-sobra umano ang binabayaran ng mga sumasakay sa tricycle, kaya naman bibigyan ngayon ng pansin ang mga reklamong ipinaabot sa kanyang opisina.

Inatasan na rin ang Committee Chairman on Transport Councilor na si Puloy Montallana para magsagawa ng public consultation upang mapag-usapan ang mga reklamo at mag-update ng taripa sa mga tricycle.

Tiniyak ng opisyal, na ang gagawi na panibagong na taripa ay patas para sa mga pasahero at driver.

Sinabi pa Baldo, ang sinuman na driver na lalabag sa ordinansa ay mabibigyan ng tamang penalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *