City of San Fernando, kabilang sa mga kinilalang “zero waste cities network” sa buong bansan

Kinilala bilang isang founding member ng Zero Waste Cities Network ang City of San Fernando dahil sa pangunguna nito sa mga programang pangkalinisan at environmental preservation.

Ang pagkilala ay isinagawa kasabay ng ginanap na International Zero Waste Cities Conference 2023 sa Quezon City, kung saan tinanggap ni Acting City Environment and Natural Resources o CENRO Officer Maria Teresa Doble ang plaque of recognition para sa syudad.

Nakamit ng lungsod ang naturang pagkilala dahil umano sa  pagpasa ng batas para labanan ang problema ng basura.

Samantala, isa sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon sa City of San Fernando ang mahigpit na pagpapatupad ng Environmental Management and Protection lalo na ang paglaban sa negatibong epektong dala ng Climate Change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *