COA report Pharmally mess, posibleng ilabas na sa Enero

Sa Enero pa posibleng ilabas ang special audit report ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa kontrobersiyal na pandemic-related supply deals ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ito ang ibinahagi ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, matapos humingi si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ng update kaugnay sa status nito sa Senate plenary deliberations sa proposed 2023 national budget.

Ayon kay Angara, nasa final stages na ang COA sa pagbusisi sa naturang usapin.

Sa kabila nito, nababahala parin si Hontiveros dahil sa patuloy na pagkaantala sa special audit, na dapat sana’y noon pang katapusan ng 2021, hanggang sa naging March 2022.

Sa gitna nito, denepensahan ni Angara ang bagong COA chairman na Gamaliel Cordoba, at sinabing kauupo lang kasi nito sa pwesto.

Inihayag naman ng senador na mayroon nang inisyal na findings ang COA, pero may proseso umano na kailangan pa ng ilang corrections, confirmations, o affirmations mula sa mga taong involved. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *