COVID active tally tumaas sa 19,940

Nagtala ang Pilipinas ng 1,071 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang nationwide tally nito sa 4,020,240.

Batay sa bulletin ng Department of Health (DOH), tumaas din ang active cases sa 19,940 mula sa 19,821 na naitala noong Lunes.

Tumaas naman ang total recoveries sa 3,935,880, habang ang death toll ay pumalo pa sa 64,420.

Sa ngayon, nananatili ang National Capital Region sa mga rehiyon na may maraming bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw sa 2,876, sinundan ng Region IV-A sa 1,736; Region VI sa 1,421; Region III sa 1,020 at Region VII sa 939.

Samantala, nananatili namang nasa low risk ang bed occupancy rate sa bansa sa 24.3% o 6,921 ng kabuaoang 28,537 hospital beds occupied at 21,616 ang bakante. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *