PSA pinaalalahanan ang publiko na ingatan ang PhilID para hindi makompromiso ang mga personal information na nakapaloob dito

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na ingatan ang kanilang PhilID upang hindi makompromiso ang mga personal information na nakapaloob dito.

Yan ay sa gitna ng mga report na nakarating sa opisina ng PSA patungkol sa umano’y may mga indibidwal na nagpapakilalang mga empleado ng PSA Central Office na nagi- scan ng PhilIDs kapalit ng pera.

Nagpalabas na ng opisyal na pahayag ang opisina ukol dito.

Batay sa pahayag walang ginagawang anumang uri ng data collection o verification at scanning ang PSA sa pmamagitan ng hindi otorisadong pamamaraan.

Hinimok rin ng PSA ang publiko na mag- ingat at maging mapagmatyag.

Huwag magsumite ng PhilID o ePhilID o anumang personal information sa sinumang indibidwal na nagpapakilalang kinatawan ng PSA para sa scanning o data collection o verification.

Ang ganito umanong gawain ay hindi otorisado ng opisina at maaaring makompromiso ang privacy at security ng ID holder.

Ayon naman kay PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao wala naman ganitong kahalintulad na pangyayari sa Camarines Norte.

Binigyang diin ni Padayao hindi pwedeng basta na lang ipa- scan ang PhilID o ePhilID sa kahit na sino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *