COMELEC Albay, 80% nang handa para sa darating na barangay at SK elections

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Albay na nasa 80% na ang kanilang kahandaan para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Albay head at Provincial Election Supervisor Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, inihayag nito na sa darating na Hunyo 19 ngayong taon, magtatanggal na sila sa listahan ng mga double o multiple registrants upang klarado umano ang list of voters.

Ayon din naman sa komisyon, sa darating na October 30, halos nasa 92 milyong mga botante ang inaasahang tutungo sa kani-kanilang mga presinto upang bumoto.

Patuloy na rin ang isinasagawang pakikipagpulong ni 2023 BSKE Commissioner-in-charge, Rey E. Bulay sa mga nakatataas na kawani at pinuno ng mga opisina/departamento at komite para sa paghahanda sa isasagawang halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *