Comelec-Bicol, sinuspende ang proklamasyon ng isang nanalong kandidato sa Sorsogon

Kinumpirma mismo ng Regional Director ng Comelec Bicol na si Atty Ma. Juana Valeza na isang nanalong kandidato sa BSKE sa Sorsogon ang inisyuhan nil;a ng order of suspension.

Ayon sa opisyal, tatlong mga nanalong kandidato sa BSKE sa Bicol ang sinuspinde ang prklamasyon.

Ang dalawa ay kandidato mula sa lalawigan ng Masbate at Camarines Norte.

Subalit sinabi ng opisyal na pansamantala lamang ang suspension, dahil pending pa umano ang mga kaso alinsunod sa utos ng Komisyon at sa oras na ito ay madismiss, makakaupo pa rin ang tatlo sa kanilang posisyon.

Dagdag pa ni Valeza na pansamantalang aakyat ang First Kagawad  na siyang uupo muna bilang Punong Barangay kung papayagan ito na uupo ng DILG.

Ang DILG kasi ang siyang tumutukoy kung sino dapat ang maupo sa posisyon ng PB batay sa Rules ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *