Pagpapalabas ng pinal na listahan ng mga nanalong kandidato, sa susunod na linggo pa – City Comelec

Sa susunod na linggo pa umano makapagpapalabas ng pinal na listahan ng mga nanalong kandidato ang COMELEC Sorsogon City,  ito’y dahil mayroon pang mga paaralan na hindi pa nakakapagsumite ng resulta ng bilangan.

Bagama’t pormal nang naiproklama ang mga kandidato sa lungsod, maraming pumupunta sa kanilang opisina para humingi ng official na listahan ng mga nanalong kandidato.

Ayon pa sa ahensya, may isa pang paaralan sa distrito ng Bacon ang wala pang naisusumiteng ceritifcate of canvass of votes at ang proklamasyon ng mga nanalo, habang mag-aalas tres na rin ng hapon kahapon, Oktubre 31 nang makapag sumite ng resulta ng botohan ang ilang mga coastal at malalaking barangay sa lungsod.

Maliban aniya sa pag i-encode ng resulta ng halalan ng halos tatlong libong kandidato sa lungsod, mayroon pang mga holidays na walang pasok ang ahensya kaya ayon sa Comelec sa susunod na linggo pa sila makapaglalabas ng pinal na listahan ng mga nanalong kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *