Comelec magsasagawa ng voter registration bukas kahit holiday

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na magsasagawa ito ng voter registration bukas May 13, kahit holiday.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, miyembro ng Speakers’ Bureau ng komisyon sa lalalawigan ng Camarines Norte, nitong umaga lang ay nagpaabot umano ng abiso sa kanila na magsagawa ng voter registration bukas.

Kaugnay nito ay hinihimok ang mga magpaparehistro na magtungo lang sa mga opisina ng Comelec sa bawat munisipyo at sundin ang health protocols

Batay din sa bagong schedule na ipinatupad ng Comelec umpisa noong Lunes, May 10, 2021, balik na ulit sa Lunes hanggang Biyernes ang registration mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 hapon.

Mula ito sa dating Lunes hanggang Huwebes na schedule, alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Matatandaang ideneklarang regular holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang May 13, 2021 bilang paggunita ng Eid’l Fitr, o hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.

Ang holiday declaration ay inirekomenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos.

Alinsunod sa Republic Act No. 9177 deklaradong regular holiday sa buong bansa ang Eid’l Fitr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *