Comelec, makikipagtulungan sa YT para sa verification ng channels ng aspirants

Makikipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa YouTube para iverify ang official channels ng mga kandidato sa video sharing platform.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi kailangan ng mga kandidato na magkaroon ng 100,000 subscribers para makakuha ng badge.

Nabatid na batay sa YouTube Help Center, bineverify ng platform ang channels na authentic, na ibig sabihin, kumakatawan sa real creator, brand o entity na kini-claim nito, at dapat kompleto na ibig sabihin ang channel ay kailangang public at mayroong channel banner, description, profile picture, at content at active sa YouTube.

Bago nito, una nang inanunsyo ng Comelec na tanging mga websites, blogs, at social media pages na rehistrado sa mga kandidato at political parties ang magpapalabas ng campaign advertisements para sa 2022 elections.

Kaugnay nito, nirerequire rin ng eletion body na kailangang ipabatid na ang mga ito ay paid ads at tutukuyin kung sinu ang nagbayad para sa kanila. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *