COMELEC – safe ang election result kasunod ng sunog sa kanilang IT department

Tiniyak ng Commission on Elections na ligtas ang lahat ng servers, election data, registration data at maging ang lahat ng naka-duty na empleyado ng Komisyon sa nangyaring sunog sa kanilang opisina sa Palacio del Gobernador sa Intramuros Manila.

Sinabi ni Comelec spokesman Rex Laudiangco na maliit na bahagi lang ng kanilang IT department ang naapektuhan at sa katunayan ay ang reception area lang ang napinsala ng sunog.

Binigyang diin ni Laudiangco na walang dapat ipag-alala sa insidente dahil ligtas ang resulta ng eleksyon kung saan active ngayon at makikita ito sa kanilang website.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ni Laudiangco na isa sa mga gamit sa kanilang reception area ang pinagmulan ng sunog na nagsimula bandang alas-6:48 at nadeklarang under control bandang alas-8:16 ng gabi.

Samantala, dahil sa insidente, nagdeklara ang Comelec ng work from home pero mayroon pa ring skeletal workforce habang isasailalim sa inspection ang structural integrity at linya ng kuryente sa gusali.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *