Sabayang Brigada Eskwela, inilunsad na ngayong araw

Lumarga na ngayong araw ang kick-off ceremony para sa Brigada Eskwela 2022.

Ito ay ang nationwide program ng Department of Education para sa sabayang paghahanda ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas na layong isaayos ang mga silid-aralan para sa nalalapit na pagpasok ng school year 2022-2023.

Sa temang ‘Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral’, pinangunahan ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte ang pormal na programa sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite.

Layon nitong tiyaking ligtas ang mga learners sa pagbabalik nila sa mga paaralan lalo na’t mayroon pa ring banta ng pandemya ng COVID-19.

Kaugnay nito, nagsalita rin ang iba’t ibang mga Regional Directors sa bansa kabilang na ang mga DepEd offices sa mga quake-hit areas.

Dito ay nanawagan sila sa mga magulang na ‘wag mangamba sa kaligtasan ng kanilang mga anak dahil mayroong mga hakbang na inilatag ang mga paaralan para masigurong litas ang mga kalusugan nito.

Natalakay din sa programa ang mga hakbang para sa mabilis na rehabilitasyon sa mga paaralang winasak ng malakas na lindol sa Northern Luzon.

Bago ito, una nang sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na pinaghahandaan na nila ang pagtatayo ng mga temporary learning spaces kabilang na ang mga tent, ‘o ‘di kaya nama’y pagpapatupad ng mga panandaliang blended learning.

Agosto a-bente-dos ang pag-uumpisa ng klase – habang sa Nobyembre naman inaasahan ang full-resumption ng face-to-face classes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *