COMELEC: walang gagawing paglabag sakaling ituloy ang pagbabawal sa palit-kandidato sa halalan

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na dapat nang ipagbawal ang palit-kandidato system sa eleksyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay COMELEC Chairperson George Garcia, sinabi nitong nasa kanila ang discretion kung kailan pupwede ang substitution sa mga kandidato.

Binigyang-diin din ni Garcia na napakarami nang insidente na nangyari ang ganitong eksena sa eleksyon.

Sa huli, sinabi ng COMELEC na nagugulo na rin ang schedule nila dahil sa mga taong nagwi-withdraw para sa substitution ng kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *