Concepcion: Pre-registration ng mga vaccinees para maiwasan ang pagkasayang ng COVID vaxx

Nakikita ni Go Negosyo founder Joey Concepcion na mas magandang paraan ang pre-registration sa mga vaccinees, para maiwasan ang pagkasayang ng vaccination efforts sa hinaharap, kasunod ng ulat na mayroong 31.3 million doses ng Covid-19 vaccines ang hindi napakinabangan.

Ang pahayag ni Concepcion, ay matapos mapaulat na nasa P15.6 billion na halaga ng Covid-19 vaccines as of November ngayong taon, ang nasayang, na lampas sa 10-percent threshold ng World Health Organization (WHO).

Una nito, sumulat si Concepcion kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na nag-aalok na magbibigay sa DOH ng listahan ng mga employees mula sa private sector na handang magpabakuna.

Ang naturang istratehiya umano ay layunin na matiyak na ang mga biniling bakuna ng gobyerno ay magagamit.

Dagdag pa nito, maaring gayahin ng mga local government units (LGUs) ang pre-registering scheme para makita kung sinu lang sa kanilang mga residente ang willing na mabakunahan. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *