BOC, target na makolekta ang nasa P100-B surplus sa katapusan ng taon

Inaasahan ng Bureau of Customs (BOC) ang halos P100-billion na surplus sa Disyembre, matapos na malampasan ang kanilang full-year collection target para sa 2022.

Ito’y matapos na ianunsyo ng BOC na nakakolekta na sila ng nasa P745.50 billion as of November 11, na lampas sa kanilang collection target na P721.52 billion para sa buong taon na P23.98 billion o 3.27%.

Ayon kay BOC spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., na ang kanilang kinokolekta ngayon ay surplus collection performance na ng Bureau.

Giit ni Dela Torre, na kahit nakuha na ng ahensya ang target para sa buwan ng Nobyembre at Disyembre ay kukunin pa rin umano nila ang assigned revenue collection target.

Kaugnay nito, inaasahang makakalikom ang BOC ng kabuoang P800 billion hanggang P900 billion na revenue sa katapusan ng taon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *