Concubinage, VAWC vs King Badger, umakyat na sa korte

Umakyat na sa korte ang mga reklamong concubinage at violence against women and children (VAWC) ni Jelai Andres laban sa kanyang dating asawa na si Jon Gutierrez.

Sa gitna nito, Hinarap ng rapper-vlogger na si Jon Gutierrez, o mas kilala bilang si King Badger, ang kaliwat-kanang kasong isinampa ni Jelai.

Matatandaang idinemanda ni Jelai si Jon noong nakaraang taon dahil sa umano’y pakikiapid niya kay Juliennes Vitug a.k.a. Yumi Garcia, na noon ay isang menor de edad.

Noong 2015 nang maging opisyal na magkasintahan sina Jelai at Jon at ikinasal noong October 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *