Eurovision: Ukraine, kinumpirma ang pagsali sa annual song contest sa Mayo

Inihayag ng mga organizers ng Eurovision Song Contest na kinumprima ng Ukraine na lalahok sila sa 2022 annual musical pageant sa Mayo.

Ayon kay Eurovision executive producer Simona Martorelli, nagpadala na ang mga delegasyon ng Ukraine ng lahat ng mga kinakailangang materials, on time.

Kaugnay nito, napili ng Ukraine para ngayong taon ay ang Kalush Orchestra, kasama ang rap lullaby “Stefania.”

Una nito, napagdesisyunan ng Eurovision’s executive board na hindi isali ang Russia sa contest ngayong taon.

Ang flashy annual musical event, na pinapanood ng milyon-milyong viewers sa Europe at Australia, ay itinakda sa May 10 hanggang 14 sa Turin, kung saan nakatutok ito sa temang kapayapaan. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *