Constitutionality ng MIF bill, maaaring ma kwestyon kung aapurahin -Escudero

Nagbabala si Sen. Chiz Escudero sa pag aapura ng punong ehekutibo sa Maharlika Investment Fund Bill nang hindi husto ang mga dokumento at mga pag-aaral.

Ayon kay Escudero, maaaring ma-kwestyon sa Korte Suprema ang constitutionality nito.

Pangunahin niyang punto , wala siyang nakikitang resulta ng pag-aaral ng economic team ukol sa pondo, paggagamitan at kikitain ng lilikhaing Maharlika Fund.

Matagal niya na raw itong hinihingi sa economic team dahil requirment ng konstitusyon pero ang ibinigay lang ay ang pag-aaral na may titulong business proposal.

Wala rin aniyang life span ang Maharlika Investment Corporation daig pa umano ang BSP na may hangganan.

Sa MIF Bill, lilikhain ang Maharlika Investment Corporation na mangangasiwa sa Maharlika Fund at ituturing itong bagong Government-Owned and Controlled Corporations o GOCC.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *