Construction worker nakuhanan ng hindi lisensyadong baril, iligal na droga at drug paraphernalia

CAMARINES NORTE- Isang lalaki ang inaresto matapos na makuhaan ng hindi lisensyadong baril at iligal na droga habang sinisilbihan ng search warrant ng pinagsanib pwersa ng mga otoridad dakong 5:00 ng umaga nitong Hulyo 30, 2021 sa Purok 3, Barangay IV Daet Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si MARK BACHILLAR y BONILLA, 21 anyos at residente ng nabanggit na lugar at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591.

Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

  • Isang (1) kalibre 38 rebolber na walang malinaw na serial number at trademark na kargado ng tatlong (3) piraso ng bala at dalawang (2) piraso ng basyo ng bala para sa nasabing baril;
  • Isa (1) pang bala para sa cal. 38 rebolber;
  • tatlo (3) pang piraso ng basyo ng bala para sa cal. 38 rebolber;
  • Tatlong (3) piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang “shabu”
  • At mga drug paraphernalias

Samantala, si BACHILLAR kasama ng mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kostudiya na ng CIDG- Camarines Norte Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunsod ng malawakang operasyon ng kapulisan kontra droga at kriminalidad para sa ikasasaayos ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *