Continuity’ prayuridad ni Senador Go para suportahan ang isang kandidato sa 2022 Elections

Tiniyak ni Senador Christopher Bong Go na susuportahan niya ang sinumang kandidato sa 2022 Elections na magpapatuloy sa mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, itinaas ng Duterte administration ang pamantayan pagdating sa pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng taumbayan.

Dagdag pa nito kailangan ng susunod na leader na matumbasan ang ipinakitang ‘political will’ ni Pangulong Duterte lalo na sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni Go hindi sila titigil ni Pangulong Duterte sa pagbibigay ng serbisyo publiko hangang sa katapusan ng termino ng Pangulo.

Kabilang sa mga dapat ituloy ng susunod na lider ayon kay Go ay ang mga infrastructure development sa bansa sa pamamagitan ng “Build, Build, Build” program, paglaban sa kriminalidad, at pagpapaunlad sa healthcare system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *