COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 21k; death toll halos 800 na

BICOL—Pumalo na sa 21, 113 ang total cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 114 na panibagong kaso.

Pinakamaraming bagong kaso ang naitala sa Camarines Sur na umabot sa 34 kung saan 13 nito ay mula sa Naga City, tigtatatlo ang mga bayan ng Lagonoy, Lupi at Magarao, tigdalawa ang bayan ng Libmanan at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Bato, Bombon, Bula, Calabanga, San Fernando, San Jose at Tinambac.

23 kaso ang naitala sa Masbate kung saan sampo nito ay mula sa Masbate city, lima sa bayan ng Balud, apat sa bayan ng Milagros, tatlo sa bayan ng Aroroy at isa sa bayan ng Mandaon.

19 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Daet 9, apat sa bayan ng Sta. Elena, tatlo sa bayan ng Labo, at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Capalonga at Jose Panganiban.

19 na kaso rin ang nadagdag sa Sorsogon kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, anim sa bayan ng Casiguran, tigdalawa ang bayan ng Bulan at Irosin at tig-isa ang bayan ng Castilla at Gubat.

12 bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan pito nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa bayan ng Oas at dalawa sa bayan ng Daraga.

Ang lalawigan ng Catanduanes ay may pitong kaso kung saan tigdalawa ang bayan ng Bagamanoc at Virac at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, San Andres at Viga.

Samantala, pumalo na sa 799 ang death toll matapos na madagdagan ng panibagong tatlo. Dalawa nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Albay.

Pumalo naman sa 17, 349 ang total recoveries matapos madagdagan ng 73 bagong gumaling kung saan 27 nito ay mula sa Camarines Sur, 19 sa Sorsogon, 14 sa Camarines Norte, apat sa Albay, dalawa sa Catanduanes at isa sa lungsod ng Legazpi.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.# || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *