COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa 14,819; aktibong kaso mahigit 5k na

BICOL—Patuloy ang pagdami ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region na ngayom ay umaabot na sa 5,031. Umabot na rin sa 14,819 ang kabuuang bilang ng mga tinamaam ng sakit.

Sa tala ng Departmeny of Health (DOH) Bicol kahapon, 122 na bagong kaso ang nadagdag kung saan ang Camarines Sur ang nagtala ng pinakamaraming kaso na umabot sa 60.

31 nito ay mula sa Naga City, lima sa bayan ng Pili, tig apat ang bayan ng Caramoan at Garchitorena, tatlo sa bayan ng Magarao, dalawa sa bayan ng Camaligan at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Balatan, Buhi, Bula, Calabanga, Goa, Minalabac, Ocampo, Pamplona, Pesentacion at Tigaon.

44 na bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan 12 nito ay mula sa Legazpi City, siyam sa bayan ng Camalig, lima sa bayan ng Daraga, tigtatatlo ang mga bayan ng Rapu-Rapu, Sto. Domingo at lungsod ng Tabaco, tigdadalawa naman ang mga bayan ng Guinobatan, Libon, Malilipot at Polangui at isa sa bayan ng Tiwi.

16 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon, apat sa bayan ng Sta. Magdalena, dalawa sa bayan ng Irosin at tig-iisa ang mga bayan ng Gubat, Juban, Magallanes, Pilar at Prieto Diaz.

Zero new cases naman ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes at Masbate habang mayroong dalawang bagong kasong mula sa labas ng rehiyon, isa ang mula sa Mandaluyong at isa naman sa Negros Occidental.

Sa ngayon ay umaabot na sa 9,315 (62.86%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 101 kumg saan 55 nito ay mula sa Camarines Sur, 44 sa Sorsogon at dalawa sa Masbate.

Umabot naman sa 473 (3.19%) na ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng panibagong apat. Tatlo nito ay mula sa Masbate at isa sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon. B-bawal ang walang mask; I-isanitize ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay-bagay; D-dumistansya ng isang metro at A-alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *