COVID 19 vaccination sa mga 5 to 11 yrs old sa So.Cot, sinimulan na

KORONADAL CITY- NAGSIMULA na ngayong araw ang COVID 19 vaccination sa mga batang may edad 5 hanggang 11 anyos sa lalawigan ng South Cotabato.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa mga vaccination sites upang mabakunahan.

Ang mga bata ay bibigyan ng mas mababang dose at mababang concentration ng Pfizer vaccine.
Kabilang sa mga vaccination sites ang mga sumusunod: Poblacion Gym sa Banga; KCC Mall, Parish Gym, City Mall, Allah Valley Medical Specialist Center Inc, Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center, at South Cotabato Provincial Hospital-Out Patient Department sa Koronadal City; Lake Sebu Municipal Gym; Polomolok Municipal Gym; Friendly Mart, Soccsksargen General Hospital, Libertad Gym, Lariosa Clinic and Hospital sa Surallah; Municipal Gymnasium ng Tampakan; at sa Poblacion gym sa Tantangan, T’Boli, at Tupi.

Ang vaccination sa Norala ay magsisimula naman bukas, February 15 sa Poblacion Rizal Park at sa bayan ng Sto.Niño sa Poblacion Gymnasium.

Samantala, upang maibsan ang takot ng mga bata, ilan sa mga miyembro ng vaccination team ay nakasuot ng mga “child-friendly” accessories katulad ng animal and Disney-inspired headdresses at mayroon ding naka-costume ng Spiderman.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 12, nasa 146,116 na mga batang may edad 5-11 years old ang target na mabakunahan sa lalawigan.

Ayon kay Aturdido na importante ang vaccination upang maproteksyunan ang mga kabataan lalo’t mahigit sa 1000 na na 0 to 10 years old ang infected ng COVID 19 sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *