Pinaniniwalaang shabu, tinangkang ipuslit sa loob ng SoCot prov’l jail

KORONADAL CITY — NAKUMPISKA ng mga lady guards ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu na inilagay sa loob ng sardinas na tinangkang ipuslit sa loob ng pasilidad kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay OIC Jail Warden Lorry Celeste, nagduda umano ang mga lady guards sa lata ng sardinas dahil mas magaan ito kung ihahambing sa karaniwang lata.

Nang sinuri dito na napag-alaman na hinati na lata ng sardinas at tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu ang laman nito bago binalot ng electrical tape saka ibinalik ang label nito.

Nasa 25 grams umano ang bigat ng narekober na shabu na may street value na P102,800.

Isang estudyante naman ang itinututuring suspek na nagdala ng nasabing illegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *